Nakatakdang isailalim sa validation at case build up ng PNP ang mga personalidad na kabilang sa bagong narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y ayon kay PNP o Philippine National Police Spokesman Chief Superintendent Dionardo Carlos ay kung mapapasakamay na nila ang nasabing listahan ng mga sangkot sa iligal na operasyon ng droga.
Tulad ng ginawa ng pulisya noon sa unang narco-list, sinabi ni Carlos na aatasan ang mga Regional Director na kumalap ng mga ebidensya laban sa mga nasa listahan.
Gayunman, nilinaw ni Carlos na bibigyan din nila ng pagkakataon ang mga nasabing listahan para maipagtanggol ang kanilang mga sarili.
By Jaymark Dagala / (Ulat ni Jonathan Andal)