Pormal nang uupo bilang bagong Philippine Navy Commander si Rear Admiral Caesar Taccad, ngayong araw.
Pangungunahan umano ni Pangulong Noynoy Aquino ang seremonya na gaganapin sa Navy Headquarters sa Maynila.
Papalitan ni Taccad si Vice Admiral Jesus Millan matapos sumapit sa mandatory retirement age na 56 na taong gulang.
Ayon kay Defense Secretary Voltaire Gazmin, nilagdaan ng Pangulo ang appointment ni Taccad, noong Huwebes ng nakaraang linggo.
By Jelbert Perdez