Tiniyak ng bagong pinuno ng NIA o National Irrigation Administration ang mga malalaking pagbabago sa ahensya sa susunod na dalawang (2) buwan.
Sinabi ni bagong NIA Director Ricardo Visaya, dating AFP o Armed Forces of the Philippines Chief of Staff na pangunahing ipinag-utos sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte ang paglinis sa ahensya mula sa korapsyon.
Dahil dito, ipinabatid ni Visaya ang mas mahigpit na pagpapatakbo niya sa ahensya lalo na sa mga pinapasok nilang kontrata, budget sa mga proyekto at maayos na kalidad at hindi nade-delay na proyektong dam ng NIA.
By Judith Larino