Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang panukalang bagong number coding scheme ay pinag-aaralan pa.
Ito ay kaugnay sa kumakalat na infographic sa twitter na nagsasabing ang naturang scheme ay ipinatupad noon pang Mayo 1 Labor Day.
Paliwanag naman ng mmda na ang modified number coding scheme ay nananatili pa rin mula 5PM hanggang 8PM mula lunes hanggang biyernes at maliban tuwing holidays.
Nabatid na ipinanukala ng traffic management body ang nasabing scheme noong Marso para mapagaan ang daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.