Itinalaga ni Pope Francis ang isang tubong Romblon na pari bilang bagong obispo ng Lucena.
Ito ay si Father Mel Rey Uy na kasalukuyang director ng Diocesan Commission on Liturgy at Pastoral Secretariat ng Romblon.
Papalitan ni Uy si Bishop Emilio Marquez na umabot na sa canonical retirement age na 75 noong nakaraang taon.
Si Uy ay na ordinahan bilang pari noong Mayo 24, 1994.