Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang officer in charge ng Home Development Mutual Fund o mas kilala bilang Pag – ibig Fund, si Acmad Rizaldy Moti.
Ayon sa Office of the Executive Secretary, tinanggap na ng Pangulong Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni Pag – ibig Fund President at CEO Darlene Berberabe.
Si Berberabe ay nagsilbi bilang Presidente ng Pag – ibig Fund, simula nang siya italaga ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong 2010.
Bago maitalagang OIC, si Moti ay nagsilbi bilang Deputy Chief Executive Officer para sa home lending operations ng Pag – ibig simula noong 2013.
By Katrina Valle