Posibleng muling gumalaw ang presyo ng mga produktong petrolyo simula Bukas, Setyembre 26, araw ng Martes.
Ito’y ayon sa Department of Energy o DOE ay makaraang magpasya ang mga oil companies na huwag nang magpatupad ng price adjustment noong isang linggo.
Batay sa pagtaya ng DOE, maglalaro sa P0.15 hanggang P0.20 ang umento sa kada litro ng diesel habang P0.50 hanggang P0.60 ang posibleng maging umento sa kada litro ng kerosene.
Gayunman, posibleng bumaba ng P0.05 ang presyo ng kada litro ng gasolina o di kaya’y huwag nang magpatupad ng paggalaw sa presyo nito.
—-