Nagbabala sa publiko ang Philippine Postal Office (PHILPOST) kaugnay sa isang Scam Quiz Game na umiikot ngayon sa social media.
Ito ay isang Link kung saan may tanong na sasagutan at kung tumama, ay may tsansa nang manalo ng P7-K na makukuha kung shinare ang link sa ibang tao.
Ayon sa PHILPOST, hindi totoo ang impormasyon na namimigay ng Financial Aid ang PHILPOST.
Habang hindi rin gawain ng ahensya na tumawag, mag-text, mag-email, at humingi ng personal na impormasyon para makapag-claim ng anumang package.
Tinitignang anggulo ng PHILPOST ang pagkakaroon ng access ng scammer sa mga personal na impormasyon na hihingin ng website sa oras na i-click ang link.