Muling bumuo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng sugar regulatory board kasama ang tatlong bagong talagang opisyal at mga miyembro.
Itinalaga ni Marcos si David John Thaddeus P. Alba bilang acting admininistrator ng SRA.
Papalitan ni Alba si Former SRA administrator Hermenegildo Serafica na umalis sa pwesto kaugnay sa nasabing usapin.
Kabilang din sa mga bagong itinalagang miyembro ng pangulo sina Pablo Luis Azcona at Ma. Mitzi Mangwag.
Samantala, ginawa ng punong ehekutibo ang appointment sa gitna ng kontrobersyal na sugar order no. 4 na nagpapahintulot sa pag-angkat ng tatlong daang libong metrikong tonelada ng asukal na kalaunan ay idineklarang “ilegal” dahil wala itong approval ng pangulo.