Taglay ng bagong labas na 1,000 peso polymer banknotes ang mas matibay na perang papel.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), maaaring hugasan o washable ang nasabing bills na makatutulong upang mabawasan ang transmission ng COVID-19 virus.
Paliwanag ni BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan, yari sa plastik ang mga ito kaya’t hindi ito madaling masira.
Environment friendly rin aniya ang bagong 1,000 piso dahil gawa ito sa recyclable materials.
Sinabi pa ni Tangonan na limang beses na mas matibay ang 1,000 peso polymer banknotes kung kaya’t makakatipid rin aniya ang pamahalaan sa paggawa nito.