Opisyal nang inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang P20 coin na papalit sa parehong denomination o P20 na papel ngayon.
Ayon kay BSP Assistant Governor Dahlia Luna maglalabas sila sa publiko ng 500,000 piraso ng P20 coin bago mag pasko.
Mas malaking bulto ang ipapalabas nila sa unang quarter ng 2020 kasabay na rin ng P20 bank notes hanggang maubos na ang supply nito sa 2021.
Ang nasabing barya ay mayroong mukha ni dating Pangulong Manuel Quezon sa isang bahagi at isang bahagi naman ay BSP logo at Malakaniyang. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)
TINGNAN: New Generation Curency Coins inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas | via @ayayupangco1 pic.twitter.com/QPmVzxezP2
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 17, 2019