Inilunsad ng state weather bureau na Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang bago nilang website na makatutulong sa publiko para mas madali nilang maintindihan ang lagay ng panahon.
Makikita sa bago nilang website na www.bagong.pagasa.dost.gov.ph ang lagay ng panahon kung kailan mo ito tinignan at sa susunod pa na limang araw nito.
Nakalagay rin dito kung ilan ang inaasahang maapektuhan ng isang sakuna, mga lugar na babahain, update sa lebel ng tubig sa mga dam, at lagay ng mga alon sa dagat.
May section din sa website para sa academic research at impormasyong magagamit ng mga magsasaka.
Maaaring ma-access ang website sa desktop at laptop, at mayroon din beryson para sa mga mobile application.
—-