Isang bagong panganak na aso ang pinaghahampas ng ilang residente sa San Pedro, Laguna.
Sa video na kumalat sa social media, makikitang sinusubukang huliin ng dalawang lalaki, kabilang ang isang barangay tanod, ang puting aso.
Nang madakip na nila ito, pinaghahataw ng isang lalaki ang hayop gamit ang golf club.
Sumali pa rito ang isang 12 anyos na bata na nakagat umano ng aso.
Batay sa imbestigasyon, inabandona ang aso ng may-ari nito matapos lumuwas ng Maynila.
Sinaklolohan naman ng Biyaya Animal Care ang asong pinangalanan nilang “Justice” kasama ang anim nitong tuta.
Maayos man ang lagay ng aso, itutuloy pa rin ng naturang animal welfare organization ang kaso laban sa mga suspek.