Hinihintay na mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang ilalabas na mas malinaw na guidelines sa limitadong paggamit ng face shield.
Ito’y makaraang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Technical Advisory Group na limitahan ang pagsusuot ng face shield maliban sa mga lugar na may “high-risk” activities.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, anumang araw ay maaaring ilabas ang nirepasong panuntunan.
Una nang inihayag ni Pangulo na hindi na kailangang magsuot ang publiko ng face shield, maliban na lamang sa “3cs,” o “closed and crowded” places, at sa mga lugar kung saan ang mga aktibidad ay close contact.—sa panulat ni Drew Nacino