Nagpalabas na ng bagong panuntunan ang Bureau of Customs (BOC) para sa mga ipinadadalang balikbayan box ng mga Overseas Filipino Worker o OFW’s.
Batay sa Customs Memorandum Order na may petsang Agosto 27 na nilagdaan ni Customs Commissioner Alberto Lina, ititigil na ang random inspection sa mga balikbayan box.
Ipatutupad na rin ang mandatory x-ray scanning ng x-ray inspection project sa mga designated examination area para sa panunang pagsusuri sa mga non-commercial inbound shipment.
Kung may nakitang kahina-hinalang bagay ang x-ray machine sa loob ng balikbayan box, lalagyan ito ng tag na suspect at isasailalim sa xip image analysis inspector.
Kung mayroon itong paglabag saka irerekumenda kung dapat isailaim sa alert order.
By Jaymark Dagala