Kinuwestyon ng Laban Konsyumer ang bagong panuntunan ng Grab Philippines na pagmultahin ng P50 ang pasahero na nagkakansela matapos ang limang (5) minuto matapos ang kumpirmasyon ng biyahe o hindi makakasipot sa pick-up point matapos ang limang (5) minuto.
Ayon kay Atty. Vic Dimagiba, pangulo ng Laban Konsyumer, maituturing na taripa ang pagpataw ng multa ng Grab Philippines kayat kailangang aprubahan muna ito ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Sinabi ni Dimagiba na nakahanda syang dumulog sa LTFRB sakaling hindi agad ito maaksyunan.
Ang paniningil ng multa ng Grab Philippines ay epektibo nitong April 29.
Kase kung kinansel ng pasahero ‘yung booking, it only means you open up an opportunity for another passenger to pick the ride. And I think, kasi nga hindi pa naman saturated, hindi naman ganoon karami ‘yung availability, pipick-up-in ‘yan ng driver. Walang mawawala kaya sa akin is a form of, ‘di ko sinasabing abuse no, pero kasi meron na tayong competition…” giit ni Dimagiba.
Ratsada Balita Interview