Naghahanda ng mga bagong panuntunan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa pagsisimula ng konstruksyon ng malalaking infrastructure projects ng pamahalaan sa oras na tanggalin na ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay DPWH secretary Mark Villar, isa sa mga prayoridad nila sa binubuong guideline ay matiyak ang kaligtasan ng mga construction worker.
Ani Villar, magkakaroon na ng pagbabago gaya ng pagkakaroon ng social distancing, testing at hand washing facilities.
Tiniyak naman ni Villar ang approval ng Health authorities at ng Inter-Agency Task Force (IATF) bago magpatuloy muli ng konstruksyon sa mga proyekto.