Inaasahan ang paglalabas ng bagong guidelines ng Food and Drug Administration sa paggamit ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng kumpanyang Astrazeneca ngayong linggo.
Ito’y matapos ipatigil ng FDA at ng health department ang paggamit ng bakunang Astrazeneca sa mga 59 na taong gulang pababa dahil sa isyu ng blood clotting cases.
Ayon kay FDA Chief Eric Domingo, nagbigay na ng guidelines ang World Health Organization o WHO, vaccine experts panel at national adverse events following immunization committee na mas naging magandang benepisyo ng bakuna kaysa sa peligro.
Magpapalabas aniya ng guidelines ang FDA sa mga magbibigay ng bakuna upang mapayuhan ng maayos ang mga makakakuha ng bakuna sa makikitang sintomas ng blood clotting.
Base sa FDA evaluation, mayroong pitumpung porisyento ang bakunang Astrazeneca sa mga 18 taong gulang pataas.
Sa ngayon, nasa 500K doses ng bakunang Astrazeneca na ang dumating sa bansa kung saan ito ay donasyon ng COVAX facility.— sa panulat ni Rashid Locsin