Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi pa epektibo ang panibagong panuntunan na inilabas hinggil sa pagsuspinde ng klase sa oras ng kalamidad at sakuna.
Ginawa ito ng DepEd matapos nilang isapubliko ang DepEd Order 37 na pirmado ni Vice President at Education secretary Sara Duterte-Carpio.
Ayon sa Kagawaran, hindi pa naihahain sa Office of the National Administrative Register sa UP Law Center ang kautusan kaya hindi pa ito mai-aapply.
Kailangan din ng personal na pirma ang kautusan dahil tanging electronic signature ang mayroon ito nang ilabas sa DepEd website.
Matatandaang kahapon, ilang paaralan ang nagsuspide ng klase sa Metro Manila bilang pagsunod sa bagong kautusang ipinalabas ng DepEd.