Iminungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mnapapanahon nang pag-usapan ang mga bagong protocols bilang paghahanda sa oras na alisin na ang public state of health emergency sa bansa sa Setyembre.
Aniya, dapat maging malinaw kung anong mga protocols ang gagawin at susundin sakaling matapos na ang problema sa COVID-19 pandemic.
Mababatid naman na mayroong halos 60 days na lamang bago mapaso ang executive order ni Pangulong Duterte sa public state of health emergency.
Bagama’t binigyang-diin ni Conception mas mabuti na hintayin na lamang kung ano ang mga gagawing hakbang ng bagong administrasyon para sa kapakanan at kaligtasan ng mamamayan.