Nakatakdang buksan sa Marso ang bagong Passenger Terminal Building (PTB) sa Port of Calapan.
Ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago, ito ang pinakamalaking PTB sa bansa na kayang makapag-accommodate ng hanggang 3,500 katao.
Makatutulong din aniya ang terminal building na maresolbahan ang mahabang pila ng mga pasahero sa naturang lugar.
Sa datos ng Port of Calapan, pumalo sa higit 16,000 ang bilang ng mga pasahero noong January 3, mas mataas ito kumpara sa naitala noong December 22 noong nakaraang taon.