Isandaang porsyento nang kumpleto ang bagong passenger terminal building (PTB) ng Clark International Airport.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang nasabing proyekto na nasa ilalim ng Build, Build, Build program ay natapos noong nakalipas na buwan na mas maaga ng isang buwan sa orihinal na target completion date.
Inaasahang magiging operational ang bagong PTB ng Clark Airport sa Enero 2021 at makakatulong para ma decongest ang passenger traffic sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kapag naging operational na, inaasahang tataas ng hanggang 12.2-milyon ang bilang mga pasahero kada taon o triple mula sa kasalukuyang 4.-milyon.