Katibayang negatibo sa RT PCR test.
Ito ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) ang kailangang bitbit ng mga pasaherong magmumula sa Pilipinas patungong South Korea.
Gayunman sinabi ng MIAA na exempted sa bagong patakaran ang South Korean passport holders.
Ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) PCR negative test certificate ay dapat ma-isyu 48 oras bago ang departure mula sa accredited hospital na designated ng South Korean embassy.
Kabilang sa designated laboratories ng South Korean embassy ang St Lukes Medical Center, Makati Medical Center, Manila Doctors Hospital, The Medical City, Lung Center Of The Philippines, Baguio Medical Center, Pri Medical Center Sa Pampanga at The Medical City Clark.