Naglatag na ng bagong patakaran ang BOC o Bureau of Customs para sa mga ipadadalang balikbayan boxes sa Pilipinas
Batay sa inilabas na memorandum circular ng BOC na epektibo sa susunod na buwan, kailangang idetalye ng nagpapadala ang laman ng naturang balikbayan box.
Dapat ding isama ang resibo kung ang ipadadala ay bagong bili tulad ng bag o sapatos at kailangang kalakip din ang patunay na Pilipino nga ang nagpadala.
Malapit na kaanak lamang ang maaaring tumanggap ng padala at hindi maaari ang kaibigan o kasintahan upang makakuha ng insentibo sa ilalim ng batas.
By Jaymark Dagala
Bagong patakaran sa pagpapadala ng balikbayan box inilabas was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882