Hindi muna ipatutupad ng Bureau of Customs o BOC ang mas pinaigting na batas kaugnay sa pagpapadala ng balikbayan boxes.
Sa naging pahayag ni Customs Commissioner Isidro Lapeña kahapon, sinususpinde nito ang Customs Administrative Order 05-2016 at Customs Memorandum Order 04-2017 hanggang March 31,2018.
Ang patakaran na ito ay nag-uutos sa mga Overseas Filipino Workers o OFW na nais magpadala ng balikbayan box sa kanilang mahal sa buhay sa pilipinas na magsumite ng kopya ng kanilang Philippine passport upang makakuha ng tax exemption sa gobyerno.
Maging ang proof of purchase ng kanilang mga pinamili kung saan nakasaad ang mga laman ng kahon ay kailangan din nilang iprisinta.
Ayon pa kay Lapeña trabaho man nila na maghigpit sa mga ipinapadalang balikbayan boxes, hindi rin nila maisantabi ang kanilyang sentimyento sa kanilang kapwa Pilipino sa ibang bansa na nais pasayahin lang din ang kanilang naiwang pamilya dito sa Pinas.
—-