Pormal nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si vice admiral Leopoldo Laroya bilang ika-28 commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sa isang pahayag ng PCG, sinabi nito na ginawa ng Pangulo ang pagtatalaga kay Laroya dahil ngayong araw na ang pagreretiro sa puwesto ni PCG chief admiral George Ursabia Jr.
Mababatid na nagsimula ang karera ni Laroya noong napabilang ito sa Philippine Military Academy (PMA) taong 1983 at nagtapos na miyembro ng Maringal class of 1988.
Nag-aral din si Laroya sa ibayong dagat para sa kanyang post-graduate studies.
Samantala, bago naman nagsilbing Deputy Commandant for Operations si Laroya nagsilbi muna ito sa iba’t ibang sangay ng kanilang Law enforcement agency.