Tiniyak ng bagong PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency Chief Aaron Aquino na kanilang tutugisin ang mga malalaking drug supplier sa bansa.
Ito Ang inihayag ni Aquino nang pormal nang isalin sa kaniya ni dating PDEA Chief ngayo’y Customs Chief Isidro Lapeña ang kapangyarihan sa nasabing ahensya.
Ayon kay Aquino, kanilang paiigtingin pa ang ugnayan ng PDEA sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Bureau of Customs o BOC.
Sigurado aniyang mapipilayan ang mga sindikato ng iligal na droga kapag natuldukan nila ang pagpasok ng pitumpung (70) porsyento ng iligal na droga sa bansa na nakalulusot sa Customs dahil sa anomalya
Kaya naman naniniwala si Aquino na magiging maganda ang kanilang pagtutulungan ni Lapeña na kaniyang sinundan.
—-