Inilunsad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos jr. ang bagong brand of governance at leadership campaign ng kanyang administrasyon ang ‘Bagong Pilipinas’ na magsisilbing tema ng pamahalaan sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Layunin ng naturang kampanya na mapalalim at magkaroon ng mahalagang transpormasyon ang lahat ng sektor.
Ayon kay Communications Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, sa pamamagitan ng bagong kampanya ay paiigtingin ang pangako ng pamahalaan tungo sa komprehensibong reporma sa pulisiya at pagbangon ng ekonomiya ng piipinas.
Kung saan lahat ng ahensya ng Gobyerno, GOCCs, Pamantasan, Kolehiyo o Unibersidad , ay inatasang ipatupad ang Bagong Pilipinas campaign sa kanilang mga programa, mga proyekto at aktibidad.
Kasabay nito inaprubahan na rin ang gagamiting logo ng Bagong Pilipinas na ipinagagamit sa mga websites, officials letters, social media at iba pang dokumento.