Tinuligsa ng grupo ng magsasaka ang tinaguriang kilusang “Bagong Pilipinas” ng Administrasyong Marcos Jr, at sinabing nabigo itong matugunan ang ugat ng kanilang paghihirap at hindi nagbibigay ng tunay na solusyon sa mga problema ng bansa.
Kahapon lang naganap ang nasabing rally sa Quirino Grandstand, Manila kung saan inilunsad ang Bagong Pilipinas branding na nagsimula noong 2023, ang nasabing event ay may layuning magbigay ng pag-asa at inspirasyon na makilahok sa pagpapaganda ng bansa sa pamamagitan ng pagkakaisa.
Gayunman, para sa pambansang lakas ng kilusang mamamalakaya ng Pilipinas, hindi nito mapapabuti ang buhay ng mga mangingisda hangga’t ang parehas na polisiya sa ekonomiya ang umiiral.
Dagdag pa ng pamalakaya, kailangan ng mga Pilipino ng mga kongkretong hakbang upang matugunan ang mga krisis sa ekonomiya tulad ng inflation at pagkawala ng buhay at kabuhayan dahil sa pagkasira ng kapaligiran at hindi isang mababaw na rebranding. – sa panunulat ni Raiza Dadia