Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang “Hidden agenda” sa Bagong Pilipinas Campaign.
Ayon kay Pangulong Marcos, layon nito para maibalik muli ang tiwala ng taumabayan, kaya dapat ipakita ng pamahalaan ang mga nararapat na gawin hindi sa pamamagitan ng salita kundi sa gawa.
Dapat ding ipakita sa mga mamamayan ang isang plano at “blueprint” Kung ano ang mga gagawin ng gobyerno.
Giit pa ni PBBM, ang Bagong Pilipinas ay hindi isang slogan o sticker kundi maglalatag ng mga mithiin na dapat makamtam upang makamit ang magandang kinabukasan para sa bayan.