Itinalaga bilang bagong pinuno ng Multi-Sector Advisory Council ng Department of National Defense (DND) si Albay Representative Joey Salceda.
Isa si Salceda sa mga nanumpa kahapon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang na naglalayong matiyak ang pagsunod ng DND sa mandato nito.
Tungkulin ng naturang advisory council na tahakin ang Philippine Defense Transformation Roadmap 2028 na sumasaklaw sa aspeto ng pagdipensa sa mga teritoryo ng Pilipinas.
Sinasabing hindi na bago si Salceda sa nasabing konseho dahil minsan na niyang hinawakan ang pagiging Regional Advisory Committee for PNP Transformation and Development sa Bicol Region noon siya pa ang gobernador ng Albay.
By Jaymark Dagala