Pinangunahan ni Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Adelius Bordado ang Change of Command ceremony ng Philippine Fleet sa Naval Base Heracleo Alano sa Cavite City.
Dahil dito ay uupo na bilang bagong Commander ng Philippine Fleet si Rear Admira Nichols Driz kapalit ni Rear Admiral Alberto Carlos.
Bago itinalaga si Driz sa Philippine Fleet ay nagsilbi muna siyang Commander ng Naval Education, Training and Doctrine Command.
Habang ang papalitan niyang si Carlos ay naitalaga naman bilang bagong Commander ng Navy Western Command na nakabase sa Palawan.
Sina Driz at Carlos ay kapwa miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)