Ipagpapatuloy ng bagong liderato ng Philippine National Police o PNP ang magagandang nasimulan ng mga naunang pinuno nito.
Iyan ang binigyang diin ng bagong PNP Chief na si P/LtG. Dionardo Carlos sa kaniyang kauna-unahang Flag Raising Ceremony pagkaupo niya sa puwesto nuong Biyernes ng nakalipas na linggo.
Ayon kay Carlos, wala siyang gagawing pagbabago sa mga plataporma bagkus ay kanila pang pag-iibayuhin lalo na ang kanilang pinaigting na kampaniya kontra iligal na droga, krimen at terrorismo.
Isusulong din niya ang Double Barrel Finale version 2022 na aniya’y mas transparent, mas malakas at mas mabagsik na kampaniya kontra sa iba’t ibang uri ng sindikato sa bansa.
Kasunod niyan, nanunpa na rin kaninang umaga si P/LtG. Rhodel Sermonia bilang The Chief of the Directorial Staff na siyang iniwang posisyon ni Carlos.
Habang umakyat na rin si P/BGen. Valeriano de Leon mula sa Civil Security Group bilang Director for Operations na siyang iniwan naman ni Sermonia.