Kinumpirma ni incoming Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa, na ang tatlong heneral na sinasabing may kinalaman sa operasyon ng ilegal na droga ay kanyang mga senior sa Philippine Military Academy (PMA).
Sinabi ni dela Rosa na bagamat wala pa silang konkretong ebidensya laban sa mga ito ay kanyang kakausapin ang tatlo hinggil sa posibilidad na kusa silang magbitiw.
Nakatakda ang pormal na pag-upo ni dela Rosa bilang susunod na PNP Chief, bukas ng umaga.
By Katrina Valle