Nagbabala si Philippine National Police Chief General Benjamin Acorda jr., sa kaniyang mga tauhan na masasangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Chief Acorda, nakapaloob sa kanilang mandato na walang opisyal at kawani ng kanilang departamento ang masasangkot sa anumang uri ng katiwalian.
Iginiit ng opisyal na mahaharap sa kaso at sisibakin sa serbisyo ang mga pulis na madadawit sa krimen at iligal na droga.
Binigyang-diin pa ni Chief Acorda na kanilang paiigtingin ang kampaniya kontra illegal drugs at hindi niya hahayaan na masangkot sa iligal na gawain ang kanilang hanay.
Matatandaang nalagay sa kontrobersiya ang ilang matataas na opisyal ng PNP matapos ang umano’y cover-up sa 6.7 billion pesos na halaga ng shabu na itinanggi naman ni dating PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr.