Isang pangalan lamang ang isinumite ng National Police Commission (Napolcom) para maging kapalit ni PNP Chief Debold Sinas na nakatakdang mag retiro sa Sabado, May 8.
Ipinabatid ito ni DILG Secretary Eduardo Año na nagsabing anumang araw ngayong linggo ay inaasahang iaanunsyo ng Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong PNP Chief.
Muling inihayag ni Año na ibinase nila sa merito, seniority at kapabilidad ng liderato at dating assignment sa PNP ang iniendorso nilang maging kapalit ni Sinas.