Pormal nang uupo ngayong araw si Police Director Ricardo Marquez bilang bagong talagang pinuno ng Pambansang Pulisya.
Ngunit aminado ang pamunuan ng Philippine National Police o PNP na kakaiba ang naging sitwasyon sa paghirang ng bagong pinuno ng Pambansang Pulisya.
Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, batay aniya sa normal na proseso, kadalasang inirerekomenda sa Secretary of Interior ng Special Officer’s Promotion and Placement Board ang promosyon ng isang opisyal.
Kapag naaprubahan ng National Police Commission, isusumite ito sa Pangulo para aprubahan.
Ngunit sa kaso ni Marquez, naging sorpresa ang pag-aanunsyo sa pagkakapili sa kaniya kaya’t hindi nasunod ang normal na prosesong kanilang sinusunod.
Kaya naman, sinabi ni Mayor, walang kahirap-hirap na makukuha ni Marquez ang apat na estrelya dahil sa tuluyan na itong binakante ni resigned PNP Chief Alan Purisima makaraan itong sibakin sa tungkulin bilang pulis ng Ombudsman.
By Jaymark Dagala