Magsisilbing striking force ng PNP kontra kriminalidad sa Metro Manila ang mahigit 500 pulis na mga bagong graduate.
Ipinabatid ito ni NCRPO Chief Police Major General Vicente Danao Jr. matapos pangunahan kasama si Police Major General Alex Sintin, director ng PNP Training Institute ang graduation ceremony ng public safety basic recruit course class 2020 masigtalab sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.
Ang masigtalab class 2020 -04 na binubuo ng 134 na babae at 385 lalaki ay ite-turn over muna sa regional special training unit para sa isang orientation bago i-deploy sa limang police districts.
Ayon kay Danao sa kanilang deployment sasailalim sa anim na buwang compulsory field training exercise – on the job training ang mga bagong police graduate para i-apply ang kanilang mga natutunan tulad nang pag responde at pagtupad sa batas sa mga actual scenario sa imbestigasyon, pagpapatrulya at pagmamando ng trapiko.