Itinalaga na bilang bagong tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) si Police Brigadier General Ronaldo Olay.
Papalitan ni Olay si Police Brigadier General Ildebrandi Usana na nakatakdang magretiro sa susunod na linggo.
Ayon kay PNP chief Police General Debold Sinas, bukod sa pagiging PNP spokesman, pangungunahan din ni Olay ang Public Information Office ng pulisya.
Si Olay, na miyembro ng Philippine Military Academy “Bigkis-Lahi” Class 1990, ay nagsilbi bilang PNP deputy director for operations at NCRPO deputy regional director for administration.
Panandalian din itong nagsilbi bilang director ng PNP Health Service at deputy director for comptrollership noong taong 2020.
Sya din ang provincial director ng Cagayan Police Provincial Office mula 2014 hanggang 2016.