Dinipensahan ng Department of Health ang bagong polisiya hinggil sa pinaikling quarantine period sa mga COVID-19 patients at close contacts.
Ayon kay DOH Spokesperson Usec. Rosario Vergeire, masusi itong pinag-aralan ng mga Local health expert at ipinapatupad na din sa ibang mga bansa.
Aniya, hindi gagawa ng mga hakbang ang pamahalaan na magpapalala sa COVID-19 situation ng Pilipinas.