Ipinagtanggol ng kampo ni Senador Grace Poe ang bagong political ad nito sa harap ng mga kritisismo.
Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, tagapagsalita ni Poe, lahat ng mga advertisements ay dumadaan sa ethics committee ng mga TV network bago ito iere.
Giit ni Gatchalian, hindi pinapayagan ng TV network ang airing ng isang advertisement kung may paglabag ito sa ethical at legal standards.
Una rito, pinuna ni Atty. Raymond Fortun na ang bagong TV ad ng nasabing presidential aspirant ay maaaring maglagay sa alanganin sa Korte Suprema sakaling hindi naaayon sa sinasabi ng TV ad ang maging desisyon ng High Tribunal.
Ayon kay Fortun, magkaiba ang legal at factual issue laban noon kay Fernando Poe Jr. o FPJ at sa kinakaharap na kaso ni Senador Poe.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)