Aprubado na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ni Rolando Macasaet para maging permanenteng president at general manager ng Government Service Insurance System (GSIS).
Si Macasaet ay naupong Officer-in-Charge (OIC) sa GSIS matapos magbitiw si dating GSIS President Jesus Clint Aranas noong July 2019.
Si ARANAS ay nagbitiw sa tungkulin dahil sa hindi pagkakaintindihan sa Pangulong Duterte hinggil sa bentahan ng Manila International Port Terminal Incorproated Property sa ICTSI na pag-aari ng negosyanteng si Enrique Razon.