Nakaligtas sa pagsabog ng granada ang bagong Prime Minister ng bansang Ethiopia na si Abiy Ahmed sa gitna ng isang rally sa kabisera na Addis Ababa.
Isa ang nasawi habang nasa 150 katao ang nasugatan sa naturang pagsabog na naganap ilang sandali matapos ang talumpati ni Ahmed.
Ayon sa mga awtoridad, isang hindi nakilalang lalaki ang naghagis ng granada nakipagbuno pa sa mga pulis bago ang pagsabog.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang bagong administrasyon sa pamilya ng nasawi at tiniyak ang tulong sa lahat ng nasugatan.
Nito lamang Abril nang mahalal si Abiy bilang bagong Prime Minister ng Ethiopia.
Samantala, mahigipit na ring binabantayan ng Department of Foreign Affairs ang sitwasyon doon upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino roon.