Nagtalaga ng bagong prosecutor si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hahawak sa kaso ng umano’y dinukot na koreanong negosyante sa Angeles City, Pampanga.
Papalitan ni Prosecution Attorney Loverhette Jeffrey Villordon si Assistant State Prosecutor Hjalmar Quintana.
Una nang nag-inhibit si Quintana sa naturang reklamo ng kidnapping for ransom at serious illegal detention kaugnay sa pagkawala ng biktimang si Jee Ick Joo.
Matatandaang inakusahan si Quintana ng mga suspect, sa pangunguna ni Senior Police Officer III Ricky Santa Isabel, ng pagkiling.
By: Avee Devierte / Bert Mozo