Magsisimula na ngayong araw bilang bagong prosecutor ng International Criminal Court ang abogadong Briton na si Karim Khan kapalit ni Fatou Bensouda.
Mamanahin ng 51 anyos na international human rights lawyer mula kay Bensouda ang mga imbestigasyon sa Palestinian territories, Afghanistan, Myanmar at Pilipinas.
Gayunman, imposibleng matutukan ni Khan ang lahat ng kaso lalo’t kapos sa pondo ang ICC na kasalukuyang nakatutok sa 14 na full-blown investigations at walong preliminary investigations.
Kabilang sa mga babanggain ng bagong prosecutor ang ilang non-member nations tulad ng Israel, United States at Russia.
Nakilala si Khan sa pagbibigay hustisya sa mga biktima ng Islamic state sa Iraq at Syria. — Sa panulat ni Drew Nasino.