Sisimulan na ngayong araw ng National Food Authority o NFA ang bagong proseso sa pagbili ng panibagong 250,000 metriko toneladang suplay ng bigas.
Ayon kay NFA Director Rebecca Olarte, binuksan na ngayong umaga ang pre-bid conference para sa open tender scheme ng karagdagang suplay ng bigas ng ahensya.
Aniya, bahagi ng panibagong bibilhing bigas ay gagawing buffer stocks ng pamahalaan para sa lean months mula July hanggang September at para na rin sa disaster preparedness program ng NFA.
Dagdag ni Olarte, bukas ang open tender scheme para sa lahat ng supplier, manggagalin man sa ibang bansa o mula sa pribado at government sector.
Magugunitang, in-award ng NFA sa Vietnam at Thailand ang pagsusuplay ng imported rice ng ahensya.
—-