Pormal nang umupo sa puwesto si Col. Randolph Cabangbang bilang bagong chief ng Presidential Security Group (PSG).
Ito’y matapos ang change of command ceremony na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lungsod ng Davao.
Pinalitan ni Cabangbang si dating PSG chief Brigadier General Jesus Durante III na inilipat naman para pamunuan ang isang brigade ng Philippine Army sa Davao De Oro.
Mababatid na bago hiranging PSG chief si Cabangbang, naging Chief of Staff muna ito ng Philippine Army 2nd infantry division.
Higit 18 taon din itong nagsilbi sa Mindanao bilang deputy commander ng Task Force Davao gayundin ang pagiging spokesperson ng Eastern at Western Mindanao Command.
Taong 2013 nang maging spokesperson din si Cabangbang ng Philippine Army.