Inaasahang i-a-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong lunes, ika-28 ng Disyembre ang bagong quarantine classifications sa bansa na nakatakdang ipatupad sa pagsapit ng bagong taon.
Ayon kay Presidential Spokesman, Secretary Harry Roque, posibleng i-anunsyo ng Pangulo ang bagong quarantine classifications sa bansa oras na matapos ang pagtitipon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Bago nito, nagpatawag ng emergency meeting si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga miyembro ng IATF at ilang eksperto sa infectious diseases para pag-usapan ang natuklasang bagong strain ng COVID-19.