Ilalabas ngayong araw ng mga alkalde sa Metro Manila ang kanilang posisyon kaugnay sa quarantine status ng nasabing rehiyon na matatapos sa Biyernes.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos, pinagbobotohan ng Metro Manila Council simula pa Martes ng gabi ang kanilang irerekomendang status para sa buong Kamaynilaan.
Nauna nang sinabi ng Malakanyang na sa araw ng Huwebes nila ilalabas ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa iba-ibang quarantine status sa bansa.
Nasa ilalim ng ECQ ang Kamaynilaan simula pa nitong Agosto 6 at matatapos na sa Agosto 20, 2021.—sa panulat ni Rex Espiritu