Naglabas na ng bagong quarantine at testing protocols ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa mga Pilipino at dayuhang biyahero mula sa green, yellow at red list territories, epektibo simula Nobyembre a-22.
Aminado si Acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi pa rin makapagdesisyon ang IATF kung bubuksan ang bansa sa mga turista.
Ang mga fully vaccinated Pinoy mula sa green list countries ay maaaring piliin ang swab test sa loob ng tatlong araw bago ang kanilang departure mula sa bansang kanilang panggagalingan.
Magiging batayan ang pagkakaroon ng negative pre-departure COVID-19 test ay upang hindi na mapunta sa facility-based quarantine at on-arrival RT-PCR test ang mga nasabing pasahero.
Sasailalim naman sa COVID-19 test ang mga fully vaccinated filipino na walang negative pre-departure COVID-19 test pagdating at sasailalim sa facility-based quarantine hanggang ilabas ang negative results.
Samantala, ang mga fully vaccinated foreign traveler ay obligadong sumunod sa test-before-travel requirement habang hindi ire-require sa mga itong sumailalim sa facility quarantine o testing pagdating pero dapat mag-self-monitor para sa sintomas hanggang labing-apat na araw. —sa panulat ni Drew Nacino